
May kakaibang reunion si Sanya Lopez kasama ang kanyang fans.
Related gallery: Sanya Lopez's prettiest photos
Sa showbiz report ni Athena Imperial sa Unang Hirit ngayong Lunes, June 22, inilahad na nag-celebrate ng kanyang decade of dedication si Sanya kasama ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.
Nagsama-sama sila sa isang environmental activity para sa selebrasyon ng kanilang 10th anniversary.
Nag-hiking at nagtanim ng mga puno ang grupo sa Antipolo.
Pahayag ng Sparkle star, “I really wanted to give back to our mother nature. Maganda rin na nangyari kasi siyempre nagiging healthy pa tayo at the same time. Hindi lang 'yung nature ang napapaganda natin kundi pati ang mga sarili natin…”
“Ang pinaka-memorable rito ay nakasama ko ang Sanya warriors. Sana hindi sila mapagod na sumuporta,” pahabol pa ng Kapuso actress.
Matatandaang una nang naka-bonding noon ni Sanya ang kanyang fans sa pagdalaw sa isang orphanage, swimming party, at paglalaro ng archery.
Samantala, muling mapapanood ang seryeng pinagbidahan noon ni Sanya na First Yaya sa darating na June 29 sa GMA.