
Mapanonood ang Kapuso Artist of the Month ngayong January na si Sanya Lopez sa upcoming miniseries ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Gaganap si Sanya sa miniseries ng Daig bilang isang mahiwagang sirena kasama sina Patricia Javier at Kisses Delavin.
Kuwento ni Sanya, “Si Kisses, sobrang bago niya ngayon sa paningin ko. Napakabait na bata napakasweet at approachable rin, mahusay umarte.”
Samantala, kampante na raw si Sanya kay Jeric na nakatrabaho niya na noon.
“Si Jeric naman, nakatrabaho ko na before at kampante naman kami sa isa't isa, tinitignan pa namin kung mag-ki-click 'yung loveteam namin dito sa Daig Kayo ng Lola Ko.”
Abangan ang mahiwang mermaid story mula February 9 sa Daig Kayo ng Lola Ko.
Sanya Lopez, todo-ingat sa novel coronavirus
LOOK: Sino ang mga Kapuso star na bibida sa magical underwater adventure ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'