GMA Logo Sanya Lopez
source: sanyalopez/IG
What's Hot

Sanya Lopez, excited sa pagbabalik bilang isang Sang'gre

By Kristian Eric Javier
Published January 11, 2024 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Hindi mapigilan ni Sanya Lopez ang excitement sa pagbabalik niya bilang si Sang'gre Danaya.

Excited na ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa pagbabalik niya bilang si Sang'gre Danaya sa upcoming fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Bukod sa kaniya, ibinahagi rin ng aktres na excited na rin ang kapwa niya mga tagabantay ng brilyante na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Glaiza de Castro.

“Matagal na 'to e, nung pinag-uusapan pa lang, excited na kaming apat na 'O, magkikita-kita tayo' but that time, hindi pa namin alam kung sino-sino 'yung mga gaganap, kung kami pa din ba, may madadagdag ba, may mababawas ba,” pagbabahagi ni Sanya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Pag-amin ng First Lady of Primetime, nagkaroon din sila ng kaba dahil hindi nila alam kung sila pa ba ang gaganap sa kani-kanilang mga karakter sa 2016 version ng Encantadia.

“Kumbaga 'yun 'yung nasa isip namin kasi nandun kami sa point na mahal na mahal namin 'yung character namin e,” sabi niya.

Dagdag pa ni Sanya, “Dumating talaga kami dun sa lahat kami tutok dito sa pagiging Sang'gre namin na minahal din talaga ng maraming tao.”

Unang gumanap bilang Sang'gre Danaya si Sanya noong 2016 kung saan nagsisimula pa lang talaga ang kaniyang career sa entertainment. Kaya naman, hindi maiiwasan na makatanggap siya ng bashing na, inamin ng aktres, ay masakit noong una.

“Masakit sa 'kin na nakatanggap ako ng hindi magagandang salita. Siyempre may mga tao talagang magku-question sa 'yo e. Kahit ako kinuwestiyon ko ron 'yung sarili ko,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Sanya, “Bakit nga ba ako e 'yung mga nakasabayan ko that time meron silang sari-sariling show, halos lahat. Kumbaga, ako 'yung galing from talagang extra.”

Kagagaling lang ni Sanya noon sa tatlong teleserye, kabilang na ang The Half Sisters at ipinahayag kung gaano siya ka-grateful sa serye na binigyan siya ng chance.

“Supposedly two days lang ang taping ko and it ended up na two years po tumagal ako sa The Half Sisters,” sabi niya.

BALIKAN ANG MGA MEMORABLE ROLES NI SANYA SA GALLERY NA ITO:

Inahalintulad niya ang The Half Sisters sa medical drama ngayon sa hapon na Abot-Kamay na Pangarap bilang mga hit teleserye sa hapon kaya naman pakiramdam niya ay sobrang blessed siya mapasama sa 2014 na serye.

Nang tanungin siya kung na-imagine ba niya noon na magiging sikat siyang artista, ang sagot ni Sanya, “Lahat ng nangyayari sa 'kin ngayon, hindi ko pinlano, hindi ko in-imagine.”

“Until now, kapag may nagsasabi sa 'kin na kasi sikat ka na, ganito ka na, parang hindi ko pa rin maisip na 'talaga ba?'” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Sanya rito: