
Ang 'First Yaya' star na si Sanya Lopez ang bibida sa panglima at panghuling 19th-anniversary offering ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, July 31, na “To Love Again.”
Ayon kay Sanya, masaya siya na muling magkaroon ng palabang role tulad ng karakter niya sa “To Love Again.”
“Ang masasabi ko ngayon, naninibago ulit ako,” ani Sanya. “Dahil na-miss ko na ito, ngayon na lang ulit ako bumalik sa ganitong klase ng tema na ipinapalabas. Napakaganda ng role and palaban, gustong-gusto ko.”
Tulad ng mga naunang 19th-anniversary episodes ng bagong 'Wish Ko Lang,' naiiba at espesyal ang “To Love Again” episode na pagbibidahan ni Sanya.
Madalas tayong makapanood ng kuwento ng mag-asawang nagkakahiwalay dahil sa third party, pero ang karakter ni Sanya ay isang legal wife na kalaunan ay mistulang magiging kabit ng kanyang mister.
Ang cast ng “To Love Again” / Source: Wish Ko Lang
Sa “To Love Again,” magkakahiwalay ang mag-asawang Yasmin (Sanya Lopez) at Rex (Anjo Damiles) dahil sa best friend ni Yasmin na si Sophie (Arny Ross).
Matapos ang ilang taon, magkakaroon na ng bagong buhay si Rex kasama si Sophie habang hindi pa tapos ang kanyang annulment kay Yasmin.
Isang araw, biglang babalik si Yasmin sa buhay ni Rex upang humingi ng tulong para sa kanyang ina na si Teresa (Rita Avila).
Nagkaroon kasi ng Alzheimer's disease si Teresa at naapektuhan na nito ang kanyang memorya.
Ang naaalala na lang niya ay ang panahong magkasama pa ang anak na si Yasmin at asawa nitong si Rex.
Kaya naman ito ang magtutulak kay Yasmin na humingi ng tulong kay Rex.
Sina Sanya Lopez at Anjo Damiles bilang Yasmin at Rex / Source: Wish Ko Lang
Pumayag naman si Rex na tumulong kay Yasmin sa pag-aalaga sa nanay nitong si Teresa.
Sa panahong iyon, nakita ni Yasmin na tila sinsero ang pagtulong ni Rex upang makabawi sa naging kasalanan nito noon sa kaya.
Samantala, si Rex naman ay tila natauhan sa kanyang pagkakasala noon at nahulog muli ang loob para kay Yasmin.
Tuluyan kayang magkabalikan muli sina Yasmin at Rex? Ano kaya ang gagawin ni Sophie 'pag nalaman niyang muling nagkakamabutihan ang dalawa?
Si Arny Ross bilang Sophie at si Pipay kasama si Sanya Lopez / Source: Wish Ko Lang
Kaabang-abang, hindi ba? At bukod pa riyan, kaabang-abang din ang acting debut ng social media star na si Pipay sa “To Love Again.”
Makakasama rin nila sa nasabing episode ang aktres na si Yesh Burce, at may espesyal na theme song din na “Ako Na Lang Sana” na inawit ni Crystal Paras.
Huwag palalampasin ang huling 19th-anniversary offering ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: