
Malapit daw sa loob ni Sanya Lopez ang role niya bilang Maya sa upcoming action-fantasy series na Agimat ng Agila, na pagbibidahan ni Ramon "Bong" Revilla Jr.
Kwento ni Sanya sa naganap na online press conference para sa programa, bukod sa kakaiba ang kanyang upcoming role dahil sa pagiging maaksyon nito, lalo siyang napalapit sa kalikasan dahil sa ginampanang karakter bilang Maya.
Aniya, "Before ko pa po gawin ang Agimat ng Agila, mapagmahal na po talaga ako sa nature.
"Bata pa lang ako kasi tinulungan na ako ng mga magulang ko kung paano talaga maging isa sa mga mabubuting ehemplo dito sa atin, na talagang sa simpleng pagtatapon ng basura malaking tulong na talaga.
"Bata pa lang ako dala-dala ko 'yun, na dapat talaga nating ingatan 'yung nature natin.
Isang palaban at wais na karakter ang gagampanan ni Sanya sa Agimat ng Agila, na mapapamahal sa karakter ni Bong bilang Major Gabriel Labrador.
Kwento ni Sanya, "Pinaka-admire ko sa role ko bilang Maya siguro 'yung pagiging independent niya na kaya niyang mabuhay at tumayo sa sarili niyang mga paa na hindi niya inaasa sa iba.
"Nandoon din 'yung pagiging mapagmahal niya sa Nanay Berta [Elizabeth Oropesa] niya.
"Lahat gagawin niya alangalang sa Nanay Berta niya.
"Ipaglalaban niya rin 'yung mga taong mahal niyal. Isa na doon of course is si Sen. Bong, si Gabriel.
Panoorin si Sanya Lopez bilang Maya sa Agimat ng Agila, ngayong May 1 na 7:15 ng gabi sa GMA-7!