GMA Logo Sanya Lopez in Samahan Ng Mga Makasalanan
What's Hot

Sanya Lopez, mapapanood bilang Mila sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan'

By Maine Aquino
Published February 28, 2025 6:15 PM PHT
Updated February 28, 2025 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez in Samahan Ng Mga Makasalanan


Abangan si Sanya Lopez sa pelikulang 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'

Ipinakilala na ng GMA Pictures ang bagong karakter ng Kapuso star na si Sanya Lopez.

Gaganap si Sanya bilang si Mila para sa pelikulang handog ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan.

PHOTO SOURCE: sanyalopez

Ayon sa post ng GMA Pictures ang karakter na Mila ay binansagang "Tukso ng Bayan."

"MAGPAPADALA KA BA SA TEMPTASYON?
Si Sanya Lopez bilang si 'Mila, Tukso ng Bayan' 😳
Nasa huli ang pagsisisi kaya abangan itong bagong GMA Pictures movie!"

Abangan si Sanya Lopez sa kaniyang bagong pelikula na Samahan Ng Mga Makasalanan. Mapapanood na ito sa darating na April 19.

Makakasama ni Sanya Lopez sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina David Licauco, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, at marami pang iba.

RELATED CONTENT: NARITO ANG MGA HOTTEST PHOTOS NI SANYA: