
Grateful si Kapuso actress Sanya Lopez na muling nabigyan ng pagkakataon na bigyang-buhay ang iconic character niyang si Danaya.
Sa pagtatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, binalikan ng aktres ang tatlong taong pagsama niya sa pagbuo ng serye.
"As far as I remember, I started taping for Sang'gre since November 2023… and grabe, almost three years of growth, memories, challenges, and magic," sulat ng aktres.
"Seeing Danaya grow through the years means so much to me, and I'm truly grateful for the chance to bring her story to life once again."
Ipinarating din ni Sanya ang taos-pusong pasasalamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay ng Encantadiks para sa kanila.
"Avisala Eshma, Encantadiks, for continuously loving and supporting us until now. Avisala Meiste!" pamamaalam ng aktres.
Hanggang sa muli, Danaya!
Related content: Cassy Lavarias, nagpasalamat sa pagmamahal ng Encantadiks kay Gaiea