
Isa si Sanya Lopez sa Kapuso stars na nakisaya sa debut ng programang It's Showtime sa GMA noong April 6.
Matatandaan na bumisita at nakisaya si Sanya kasama ang iba pang Kapuso artists na sina Jillian Ward, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Nadine Samonte, Mikee Quintos, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Chanty ng Lapillus, at Michelle Dee sa unang araw ng It's Showtime sa GMA.
Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'
Sa panayam ng GMANetwork.com, labis ang saya ng Pulang Araw star ngayong napapanood na ang It's Showtime sa GMA.
“Nakaka-happy talaga kasi lumalaki na 'yung pamilya natin at marami pang mga… sabi nga namin ni Kuya Ogie, napag-uusapan namin na marami nang mga artista na taga-Kapuso ang pwedeng pumunta rin sa kanila. 'Yun palang, na-feel mo na agad na welcome tayo.
“Kaya sana more more projects na hindi lang sa Showtime, kundi marami pang proyekto with GMA and ABS ang mangyayari. And we're excited sa malaking, malaking pamilya ang mabubuo,” aniya.
Ayon pa kay Sanya, nasosorpresa at namamangha siya sa tuwing mayroon siyang guest appearance sa It's Showtime. Naging bahagi ang aktres sa opening number ng afternoon program noong July 1, 2023 sa GTV at muli siyang napanood dito nang bumisita siya noong July 27, 2023.
Looking forward din ang morena beauty na mas marami pang Kapuso stars ang makabisita sa It's Showtime.
Nang tanungin si Sanya kung sino sa hosts ang nais niyang makatrabaho sa proyekto, ito ay sina Vice Ganda at Anne Curtis.
“Of course, Meme Vice. Alam mo, sabi niya, 'alam mo, iba 'yung vibe mo no? Ang gaan mo tingnan.' Kahit ako sa kanya, gano'n din, same rin. So I hope na magkaroon kami ng project together kasi ang gaan din ng pakiramdam ko sa kanya.
"And si Ms. Anne Curtis, of course. Feeling ko naman lahat ng mga artista, isa siya sa gustong makasama sa projects. So I hope [makatrabaho ko siya],” saad niya.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.