GMA Logo Sanya Lopez
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Sanya Lopez, paano hinarap ang bashers?

By Kristian Eric Javier
Published November 20, 2025 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lava flows on 202nd straight day of effusive eruption at Mayon Volcano
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Paano hinarap ni Sanya Lopez ang bashers niya? Alamin dito.

Sanay na umano si First Lady of Primetime Sanya Lopez na makatanggap ng pamba-bash mula sa netizens sa social media. Kaya naman, hindi na siya nagpapaapekto sa mga ito at sa halip, mas itinutuon ng aktres ang kaniyang atensyon sa mga nangyayari sa bansa.

Sa pagbisita ni Sanya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 19, sinagot ni Sanya ang tanong ni King of Talk Boy Abunda kung papaano siya naapektuhan ng maganda at hindi maganda sa social media.

Pag-amin ng aktres, marami pa rin namang maganda na naidudulot ang social media.

“Kumbaga, makikita mo, ang social media kasi is a platform na pwedeng makatulong sa 'yo or makasira sa 'yo. So kung ang ginagawa mo sa social media mo ay manood ka lang ng mga bagay na makaka-inspire sa 'yo, then 'yun,” sabi ng aktres.

Pagdating naman sa bashing, masasabi ng KMJS' Gabi ng Lagim The Movie actress na iyon ang naging pa-welcome sa kaniya ng showbiz industry noong pinasok niya ito.

“Simula naman kasi noong nagsimula po talaga ako dito sa industry na ito, parang 'yun na 'yung pa-welcome sa 'kin, e, 'yung mga bashers. Lagi na, simula umpisa. Parang sa akin po, nasanay na ako du'n and hindi ako masyadong nagpapaapekto,” sabi ni Sanya.

Alam naman umano ni Sanya na wala siyang masamang ginagawa. Pagpapatuloy niya, mas maliit ang nararanasan niyang bashing kumpara sa nararanasan na problema ngayon ng bansa.

“Siguro, Tito Boy, sa dami ng nangyayari sa atin ngayon, sa dami ng problema natin ngayon, especially here, now, sa Philippines, parang itong mga nangyayari sa 'kin, mababaw lang 'to kumpara sa mga nagiging problema natin talaga,” ani Sanya.

Isang paraan naman ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star para mapanatili ang kaniyang peace ay magpahinga mula sa social media.

Pag-amin ni Sanya ay hindi siya sigurado kung kakayanin niyang mawala ng tuluyan ang social media. Ngunit kung iyon umano ang kailangan gawin, handa siyang tanggapin ang naturang hamon.

Pero kung pahinga lang, “Pwede 'yun, nasa sa 'yo rin kung paano gagamitin e. Merong mga apps now na nili-limit 'yung time ko na mag-social media.”

Panoorin ang panayam kay Sanya dito:

BALIKAN ANG ILAN SA MGA KILLER RESPONSE NG CELEBRITIES SA BASHERS SA GALLERY NA ITO: