
Masayang nag-bonding ang magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto nitong nagdaang weekend.
Sa Instagram post ni Sanya, ipinasilip niya ang family moments nila ng kanyang Kuya na si Jak kasama ang kanilang mommy.
Magkakasama silang nag-church at kasunod naman ay ang family date nila sa isang restaurant.
“Family Sunday,” sulat ng Sparkle actress sa caption ng kanyang post.
Sa kasalukuyan, umabot na ng 36,000 heart reactions ang post ni Sanya tungkol sa kanilang family bonding kasama ang kapatid at fellow Sparkle star niya na si Jak.
Samantala, si Sanya Lopez ay napapanood sa 'First Yaya,' na ipinapalabas ulit ngayon sa GMA at pati na rin sa GTV.
Kilala siya sa serye bilang si Yaya Melody, ang ka-love team ni President Glenn na ginagampanan naman ng aktor na si Gabby Concepcion.
Kamakailan lang, ini-reveal ni Sanya ang tungkol sa birthday gift niya para sa kanyang sarili- ang bago niyang sasakyan.
Nag-celebrate si Sanya Lopez ng kanyang 30th birthday nitong August 9.
RELATED CONTENT: Sanya Lopez's prettiest photos