
Sunud-sunod pa rin ang proyekto ng Sparkle actress na si Sanya Lopez matapos ang pinagbidahang top-rating Kapuso series na First Lady.
Kamakailan ay inilabas na ang debut single ni Sanya na "Hot Maria Clara," na tungkol sa isang makabagong Filipina, na agad din na pumangatlo sa iTunes Philippines chart at napasama sa listahan ng Fresh Finds Philippines playlist ng Spotify.
Sa press conference ng nasabing debut single, ibinahagi rin ni Sanya na mag-isa siyang dadalo sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala ngayong July 30.
Aniya, "Pupunta po ako nang solo! Okay naman ['yun]."
Dagdag pa niya, "Doon na lang po ako maghahanap ng date."
Excited na rin si Sanya sa kanyang isusuot sa gala na dinisenyo ng Filipino fashion designer na si Michael Leyva.
"Busy ang lahat ng team ko ngayon, tinanong po nila kung ano ang gusto ko, sabi ko, 'Simple pero elegante,'" ani Sanya.
Samantala, ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbi ring fundraising event na bahagi ng selebrasyon ng ika-72 taong anibersaryo ng GMA Network.
TINGNAN NAMAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA LOPEZ DITO: