GMA Logo Sanya Lopez
source: sanyalopez/IG
Celebrity Life

Sanya Lopez, walang time kaya hindi nagkaka-lovelife?

By Kristian Eric Javier
Published January 11, 2024 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Sanya Lopez tungkol sa lovelife: “Kapag para sa'yo, binibigay talaga sa 'yo.”

Pagpasok pa lang ng taon ay puno na ang kalendaryo ni First Lady of Primetime Sanya Lopez. Bukod sa paghahanda niya para sa fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre, bibida rin ang aktres sa historical drama na Pulang Araw.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Saniya ang kaniyang haka-haka na baka kaya hindi pa siya nagkakaroon ng lovelife ay dahil wala siyang oras para rito.

“Parang ang hirap pumasok sa isang lovelife na hindi mo maibigay 'yung tamang oras para sa kaniya. Kasi ako nga parang nabanggit ko before na kapag may binigay sa 'kin na isang bagay, focus talaga ako dun kaya nung binigay talaga sa 'kin 'yung mga trabaho, talagang tutok ako,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Sanya na noong nagkaroon siya ng lovelife before ay oras din ang demand nila sa kaniya. Inamin niya na mas nagfo-focus siya noon sa ibang priorities niya - ang kaniyang career.

“Naniniwala kasi ako na kapag para sa 'yo, kahit anong bagay, tao man,trabaho o kahit na ano. Kapag para sa 'yo, binibigay talaga sa 'yo at hihintayin ka ng bagay na 'yun kasi kahit na anong mangyari, kahit na may humarang pa sa 'yo, basta para sa 'yo 'yun, sa 'yo 'yun,” aniya.

TINGNAN ANG MGA LALAKI SA BUHAY NI SANYA SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin siya kung bakit niya inayawan ang mga nanligaw sa kaniya noon, ang sagot niya, “May mga pagkakataon talaga na ligaw part lang, nasa ligawan stage pa lang kami, nakikilala ko na siya agad.

“Parang may moment ako na umaatras na ako kasi 'ay ligawan pa lang 'to pero nakikita mo na 'yung ugali niya,'” paglilinaw niya.

Ibinahagi rin ni Sanya na sa mga pagkakataon na pakiramdam niya ay masaya na siya sa tao ay pinagdadasal niya ito subalit madalas ay nakikita niya agad ang totoong pagkatao nito pagkatapos.

“May mga sign talaga si Lord right after, ipapakita niya talaga sa 'yo 'yung tao, ipapakilala niya talaga sa 'yo. Maya-maya nawawala 'yung taong 'yun, o kaya may mababalitaan ka sa taong 'to na ganun,” sabi niya.

Nilinaw rin ni Sanya na masaya siya ngayon at sinabing hindi pa naman siya umabot sa puntong gustong-gusto na niya magka-lovelife.

“Parang 'sige na, ibigay niyo na sa'kin 'to,' parang ganun. Hindi pa naman ako umabot sa ganun,” sabi niya.

“Ayoko rin naman umabot sa ganun kasi so far, lahat ng nangyayari sa 'kin ngayon, happy talaga ako,” dagdag ng aktres.

Pakinggan ang buong interview ni Sanya rito: