
Nais ni Sanya Lopez na sumulat ng sariling love song.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ng aktres na kung magsusulat siya ng kanta ay tungkol ito sa "pagkakaroon ng crush or feelings sa isang tao."
"Kasi roon ko mai-express, lalo na ngayon siyempre wala naman akong boyfriend, kaya siguro mas malakas 'yung dating sa akin kapag may mga ganoong klaseng songs," pagbabahagi ng aktres.
Ayon kay Sanya, noon pa man ay hilig na niyang kumanta. Kaya naman nang mabigyan ng oportunidad na maging isang recording artist sa ilalim ng GMA Music ay agad niya itong tinanggap.
"Dati po kasi sa Walang Tulugan hilig ko na talagang kumanta. Noong nabigyan tayo ng opportunity, na sinabi nila sa akin kung puwede akong kumanta, of course iga-grab po natin agad ito," sabi niya.
Noong July 15, agad na pumangatlo sa iTunes Philippines chart at napasama sa Fresh Finds Philippines playlist ng Spotify ang debut single ni Sanya na "Hot Maria Clara."
Ngayon, may mahigit 50,000 views na sa YouTube ang kanta ng aktres na isinulat ni Njel De Mesa.
TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: