GMA Logo Sanya Lopez
What's Hot

Sanya Lopez's latest TikTok video hits 1.2M views in just 3 hours!

By EJ Chua
Published March 15, 2022 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


“Patulog ka na pero may nakita ka sa Tiktok.” -Sanya Lopez

Kapansin-pansin na kina-career ng First Lady actress na si Sanya Lopez ang paggawa ng content sa trending at fastest-growing social media app na TikTok.

Kahit abala sa kanyang trabaho bilang isang artista, pinaglalaanan pa rin niya ng oras at effort ang kanyang mga entry na ina-upload niya sa naturang app.

Sa pinakabagong TikTok video na in-upload ni Sanya, hindi siya nagpahuli sa latest trend na “Touch x Dougie Remix Challenge.”

Suot ang casual outfit habang nasa isang kwarto, hot na hot na rumampa ang aktres sa harap ng camera.

“Patulog ka na pero may nakita ka sa tiktok,” ayon sa caption ni Sanya.

Gaya ng inaasahan ng marami, ilang netizens ang muling naaliw sa content ng isa sa sexiest Kapuso stars.

Sa loob lamang ng tatlong oras, umabot na sa 1.2 million views ang latest TikTok video ni Sanya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 12.3 million followers ang aktres sa kanyang TikTok account.

Si Sanya Lopez ay kabilang sa Top 10 most followed content creators sa Pilipinas noong 2021.

Ilang dance videos ng aktres ang humahakot ngayon ng milyon-milyong views sa naturang video sharing app.

Napabilang din siya sa celebrities na nominado sa 2021 Village Pipol Choice Awards TikTok Star of the Year category.

Samantala, tingnan ang most memorable TV roles ni Sanya Lopez sa gallery na ito: