What's Hot

Sanya Lopez's New Year's resolution: "Never trust so easily."

By Dianara Alegre
Published January 14, 2021 6:37 PM PHT
Updated January 15, 2021 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagupan exhibit highlights calm and connection through abstract art
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Simula ngayong 2021, mas magtitiwala na raw si Sanya Lopez sa sarili niya kaysa sa iba. Alamin ang kanyang dahilan dito:

Ngayong 2021, maraming nais i-improve si First Yaya star Sanya Lope--hindi lamang sa personality at craft niya, kundi pati na rin sa way of living o lifestyle niya.,

Nang makapanayam ng GMANetwork.com noong December, ibinahagi ni Sanya na ang ilan sa mga nakalatag na niyang plano para ngayong taon, mga dapat na pagbutihin pa lalo, at siyempre, ang mga bagay o pag-uugali na dapat niyang baguhin na ayaw niya nang dalhin pa ngayong taon.

Sanya Lopez

Source: sanyalopez (Instagram)

Bahagi ng kanyang New Year's resolution ang pagtitiwala sa sarili kaysa iba.

“My New Year's resolution is never trust so easily.

"Mabilis kasi akong maniwala so sometimes it is better to trust yourself pala muna.

"Minsan kasi in the end mas lumalabas pala na mas tama 'yung decisions mo,” aniya.

Bukod dito, mas magtitipid na rin daw siya dahil may mas mabigat na siyang responsibilidad.

“My other New Year's resolution is magtipid. Kailangan kong mas mag-save ngayon dahil sa bagong obligation ko sa buhay,” sabi pa niya.

Samantala, plano na rin niyang tapusin ang renovation ng bagong niyang modern-looking house.

“My plans for 2021 is to complete the renovation of my new house.

"Marami pang gawin para ma-complete siya lalo na 'yung walk-in closet ko at studio where I will do my vlogs and endorsements, etc.,” sabi ng aktres.

Siyempre, hindi mawawala sa goals niya ngayong taon ang pagbutihin ang kanyang pag-arte sa mga proyektong makukuha niya.

“My goal for 2021 naman is work, work, and work lalo na ngayon na nadadagdagan na 'yung mga babayaran ko.

"Mas malaking responsibility siya kasi ngayon compared before.

"At siyempre, may goal si to improve my craft pa. hindi mawawala 'yun kasi I believe na you keep on improving yourself,” sabi pa niya.

Samantala, kung may natutunan man si Sanya noong 2020 na nais niyang bigyang-atensyon ngayong taon, 'yun ay ang pagsabak sa comedy, na bago para sa kanyang dramatic actress.

“Kaya ko rin pala mag-comedy. Hindi pala siya madali kumpara sa pagdrama. Na-realize ko 'yun when we're shooting 'First Yaya' so I'm really really thankful with our director, Direk LA [Madridejos], sa patience niya. Marami akong natutunan sa kanya,” sabi pa niya.

Gabby Concepcion at Sanya Lopez

Source: sanyalopez (Instagram)

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ni Sanya ang pag-ere ng bago niyang primetime series na First Yaya kung saan makakatambal niya ang award-winning actor na si Gabby Concepcion.

Nagsimula ang lock-in taping para sa serye noong November nang nakaraang taon at mapapanood na ito soon sa GMA.

Silipin ang pilot taping ng First Yaya sa gallery na ito: