
Sa masayang Saturday morning bonding ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, napaamin ng sikreto sina Alfred at Yasmine Vargas.
Sina Alfred at Yasmine ay naglaro ng "Who's Who Flour Challenge" nitong September 18. Binigyan sila ng mga tanong kung saan nabuking ang sikreto nilang mag-asawa.
Ilan sa mga itinanong ay kung sino ang boss sa bahay, sino ang nabubudol ng shopping, at iba pa.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Napanood rin sa episode nitong Sabado ang kanilang tour sa home gym na favorite na bahagi ng bahay ni Alfred.
Sa Casa Legaspi, ibinahagi nina Carmina Villarroel, Cassy, Mavy, at Zoren Legaspi ang kanilang mga favorite drinks.
Gumawa si Carmina ng Affogato ala Mina, si Mavy ay naghanda ng Iced Caramel Coffee, Lime Mojito Mocktail naman ang inihanda ni Cassy, at si tatay Zoren ay ipinakita ang paggawa ng kaniyang paboritong power drink.
Sundan ang iba pang masasarap na kuwentuhan at kainan sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition: Brianna, Angela Alarcon, at Sandro Muhlach's house tour