GMA Logo Sarap Di Ba
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
What's on TV

'Sarap, 'Di Ba?', may maagang Mother's Day celebration

By Maine Aquino
Published April 30, 2024 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap Di Ba


Abangan si Wilma Doesnt, mga anak niyang sina Asiana at Svetlana, at si Joel Cruz sa 'Sarap, 'Di Ba?' sa May 4.

Mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? ang maagang Mother's Day celebration kasama sina Wilma Doesnt at Joel Cruz.

Tampok sa episode ngayong May 4 ang bonding nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi kasama sina Wilma Doesnt at ang kaniyang mga anak na sina Asiana at Svetlana. Abangan ang kanilang pagsabak sa larong “Nanay Ko Yan!”

Makakasama naman sa Sabado si “Lord of Scents” Joel Cruz para sa isang heart-to-heart talk with Carmina tungkol sa parenting style sa kaniyang walong mga anak. Ipapakita pa ni Joel ang kaniyang palatial home turned grand hotel sa Baguio City.

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?



Sa Sarap, 'Di Ba? kitchen magsasama-sama naman sina Carmina, Wilma, at Joel para ihanda ang Sinigang na Lechon Kawali.

Dahil Mother's Day, may aabangan na touching messages sina Asiana, Svetlana, Mavy, and Cassy para sa kanilang mga mommies.

Tutukan ang fun and heartwarming Mother's Day episode ng Sarap, 'Di Ba? sa May 4, 10:30 a.m. sa GMA Network at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa YouTube channels ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments.

Huwag magpahuli at sumali sa Sarap Manalo Promo tuwing Sabado sa Sarap, 'Di Ba?