
Ladies of Widows' Web ang nagkaroon ng masayang bonding sa latest episode ng Sarap, 'Di Ba?
Nitong April 9, si Mavy Legaspi ang naging host ng Sarap, 'Di Ba? dahil nakasama ni Carmina Villarroel ang kaniyang co-stars sa Widows' Web na sina Vaness Del Moral, Ashley Ortega, and Mosang. Silang apat ang nagtapatan sa masayang games at challenges ng programa.
Napanood rin sa Sarap, 'Di Ba? ang recipe ni Vaness na Bulalo sa Monggo. Sinundan pa ito ng bukingan at kuwentuhan nina Carmina, Vaness, Ashley, at Mosang.
Abangan ang susunod na Saturday bonding ng Kapuso stars sa Sarap, 'Di Ba? only on GMA Network.