GMA Logo Sarina Hilario, Jhong Hilario
Courtesy: sarinahilario (IG)
Celebrity Life

Sarina Hilario's cute version of 'Maybe This Time' trend goes viral

By EJ Chua
Published September 3, 2024 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Inang OFW na umuwi mula sa Hong Kong, umabot kaya sa recognition day ng anak?
LTFRB-10 heeds plea to implement taxi flag-down rate hike
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Sarina Hilario, Jhong Hilario


May mahigit 4M views na ang nakakaaliw na “Maybe This Time” entry ng anak ni Jhong Hilario na si Sarina!

Napakarami ang talaga namang naaaliw sa pagiging bibo ng anak ni Jhong Hilario na si Sarina.

Kamakailan lang, game na game na nakisabay sa “Maybe This Time” trend si Sarina.

Pinag-uusapan ngayon online ang entry ng celebrity kid, kung saan mapapanood ang kanyang cool na dance steps.

Makikita sa video na habang suot ni Sarina ang kanyang purple dress ay sobrang energetic niya sa pagsasayaw.

Sa comments section, mababasa ang positibong comments ng fans ni Sarina at ng netizens tungkol sa kanyang dance steps.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 4.4M views at mahigit 200,000 reactions sa Facebook ang “Maybe This Time” entry ni Sarina.

RELATED GALLERY: The heartwarming father-daughter moments of Jhong Hilario and Sarina Oceania

Samantala, bago pa ito, kinagiliwan din ng netizens ang video ni Sarina tungkol sa kanyang first haircut kasama ang kanyang ama na si Jhong.

Si Jhong ay napapanood bilang isa sa main hosts ng noontime show na It's Showtime.