
Kailangan nang maghanda ng mga pageant fans at aficionados dahil makikilala na nila ang panibagong batch ng mga candidates para sa Mr. World Philippines pageant ngayong taon.
Nag-announce ang Mr. World Philippines organization sa kanilang Instagram account na gaganapin ang press presentation at sashing ceremony ng Mr. World Philippines ngayong July 1, mula 2 p.m. hanggang 6 p.m., sa Collab by Sheraton Hotel Manila.
Sa caption sa post, sinabi ng organization na ang mga kandidato ngayong taon ay “ready to represent excellence, purpose, and the true spirit of the modern Filipino man.”
Una nang ipinakilala ng organization ang unang batch ng delegates noong May.
Related gallery: Mr. World Philippines reveals first batch of contestants
Ang press presentation at sashing ceremony ay magaganap pagkatapos harapin ng Mr. World Philippines delegates ang sports challenge na ginanap sa Edades Farm sa Taysan, Batangas nitong nakaraang buwan.
Sa caption ng announcement post, sinabi ng organization na ang challenge ay nagha-highlight sa “core values of sportsmanship, resilience, and the unwavering drive to succeed.”
Nauna nang in-announce ng Mr. World Philippines organization ang mga fast track challenges na haharapin ng mga delegates noong April.
Maliban sa sports challenge, kasama rin sa mga main fast track challenges ang beach wear challenge, ang talent competition, ang top model challenge, ang multimedia challenge, ang head to head challenge, at ang Beauty with a Purpose challenge. Bingyang diin din ng organization ang Beauty with a Purpose challenge. Ayon sa kanila, ito ang pinaka-importanteng challenge dahil sa pag-highlight nito sa advocacy work, charity projects, at social impact.
Ang kasalukuyang Mr. World Philippines, Kirk Bondad, ay nagtapos sa Top 12 ng Mr. World Top Model competition. Pinuri rin si Kirk ng Mr. World Philippines dahil sa pagbida niya sa gawang Pinoy at pagsuot ng suit na gawa ng designer na si Francis Libiran.
Si Andrew Wolff ang pinakamalayo ang naabot sa Mr. World pageant. Noong 2012 ay naging first runner-up siya kay Mr. Colombia Francisco Javier Escobar Parra.
Si Kirk naman ay napanalunan ang Mister International pageant, isang panalo na inilarawan niya ay higit pa sa sarili niya.
RELATED GALLERY: Kirk Bondad is all set to win the Mister International crown