
Napaamin si Sassa Gurl sa kaniyang buhay pag-ibig sa kaniyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda.
Kuwento ng content creator, "Actually, Tito Boy, I am seeing someone."
PHOTO SOURCE: Fast Talk with Boy Abunda
Ayon kay Sassa Gurl, non-showbiz ang kaniyang special someone. Nilinaw rin niyang mas matalino na siya pagdating sa pag-ibig.
"This time around, mas matalino na 'ko sa pagmamahal, non-showbiz siya," saad ni Sassa.
Dugtong pa niya, "Naniniwala ako na kailangan may complement nang onti 'yung relationship, especially 'yung relationship ko ay hindi siya pangkaraniwan sa lipunan."
Inamin din ni Sassa na priority niya ngayon ay ang peace of mind.
"Naniniwala ako na kailangan ko ng very non-showbiz at tahimik so ayun, I want a tahimik na buhay. Nag-d-date pa lang naman, Tito Boy, so hindi ko ma-flex ngayon. Malay mo baka bigla akong i-ghost 'di ba?"
Si Sassa ay bahagi ng 2025 Metro Manila Film Festival entries na Bar Boys: After School at Shake, Rattle and Roll: Evil Origins.
Panoorin ang panayam dito:
Samantala, narito ang ilang celebrities at kanilang rumored romantic partners