GMA Logo sb19 with be first
Image Source: All-Out Sundays
What's on TV

SB19 at Japanese band BE:FIRST nagsama sa 'All-Out Sundays'

By Bianca Geli
Published August 18, 2026 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed in Bacolod over fake driver’s license, gov’t IDs
Metro Manila Council eyes ₱5,000 fine for improper waste disposal
Council for the Welfare of Children calls for respect for children's rights after Zamboanga school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

sb19 with be first


Collab goals! Ibinahagi ng SB19 at BE:FIRST sa 'All-Out Sundays' kung paano nila gustong ipakilala ang kanilang musika at kultura sa mas maraming fans sa buong mundo.

Naghatid ng international collaboration ang P-pop Kings na SB19 at Japanese boy group BE:FIRST sa All-Out Sundays, kung saan ibinahagi ng dalawang grupo ang kuwento sa likod ng kanilang kantang “Toyfriend” at kanilang hangaring ipakilala ang sariling kultura sa mundo.

“We're so excited performing with SB19, and actually it's our first time to visit the Philippines. I'm so happy I can see so many fans here in the Philippines,” ani BE:FIRST member Manato.

Ayon naman kay Felip o Ken, nagsimula ang kanilang connection nang makapag-perform siya sa DUNK o D.U.N.K. Japan (Dance Universe Never Killed) noong nakaraang taon, kung saan niya unang nakilala ang mga miyembro ng BE.

“Last year po kasi nakapag-perform ako sa DUNK, that's where I got to know them, and our fans, sila talaga ang nag-push talaga for this collaboration. 'Yung management din po talaga ang tumulong para mabuo ang collaboration na ito that's why we're so happy na natupad ang collaboration na ito,” kuwento ni Felip.

Ikinuwento rin ni Be:First member Junon na mas naging malapit ang kanilang fans at A'TIN (SB19 fans) matapos silang magkasama ni Ken sa isang TikTok video sa Japan.

“Last year, Ken and I met and made a TikTok together at a Japanese event. After that, our fans and A'TIN became closer. That led to our song collaboration,” ani Junon.

Para kay Pablo, bahagi ng mas malaking layunin ng SB19 ang pakikipagtulungan sa mga international artists, lalo na sa mga kapwa Asian artists na nais ding ipakilala ang kanilang kultura sa buong mundo.

“Ang goal po ng SB19 is to go global, to introduce Filipino music, and 'yung pakikipag-collaborate with BE, it's something na ina-aspire rin namin kasi makikita mong same kami ng vision pag dating sa pagpapalaganap ng sarili naming kultura and to be able to perform on the same stage as them, it's very amazing, tapos sa harap ng mga Japanese na nakikikanta at nakikisayaw sa amin, it's a very proud moment for SB19 and BE,” ani Pablo.

Dagdag naman ni Josh, mahalaga para sa grupo ang cultural exchange bilang paraan upang mapalakas ang Asian music scene.

“Naniniwala po talaga kami sa talent ng mga Asian artists, and we want to strengthen it not just through our collaboration but through our cultural exchange. It means na kahit maraming bagay na hindi kayo nagkakaintindihan, music brings people together,” saad niya.

Pareho rin ang pananaw ni BE-FIRST Sota tungkol sa kanilang musical partnership.

“We have the same goal of bringing our own music and culture to the world,” ani Sota.

Noong Marso 2026, nagsama ang dalawang grupo sa DUNK Showcase para sa isang surprise collaboration stage. Sa Day 3 ng event na ginanap sa K-Arena Yokohama, pinatunayan ng SB19 at BE-FIRST ang kanilang musical chemistry sa unreleased collaboration na “Toyfriend.”

Bago ang collaboration, itinanghal ng SB19 ang kanilang sariling set kung saan kasama sa kanilang performance ang mga kantang “DAM,” “GENTO,” “VISA,” at “Crimzone.” Bukod sa SB19, kabilang din sa mga P-pop acts na nagtanghal sa DUNK ang Cup of Joe at BGYO.

Patuloy din ang pagbuo ng SB19 ng connections sa Japanese artists kasunod ng kanilang stint sa Summer Sonic.

Samantala, nakilala rin ng P-pop Kings ang Japanese group na Generations, na nagtanghal pagkatapos nila sa Pacific Stage sa Tokyo. Kabilang sa miyembro nito si Alan Shirahama, na may Filipina mother.

Nakipag-dance challenge din sina Alan at Yuta kina Stell, Ken, at Justin para sa “Lawless.”

Sa Osaka naman, nakipagsayaw sina Pablo, Stell, at Josh kay Taiki, miyembro ng Japanese group na Starglow.

Samantala, mapapanood ang buong interview ng SB19 at BE:FIRST sa All-Out Sundays.


RELATED GALLERY: SB19 brings P-pop pride to Japan with unforgettable set at Summer
Sonic Osaka 2026