
Nakisaya ang SB19 members na sina Stell at Josh kasama ang It's Showtime family ngayong Biyernes (May 16).
Sa muling pagbisita ng dalawang artists, nakisaya sila sa segment na "KidSona" ng naturang noontime variety show kasama ang mga host. Dito ay naging kakampi ni Stell ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, habang ka-team naman ni Josh ang host na si Vhong Navarro.
Matapos ipakilala ni Amy Perez si Josh, sabi niya, "Proud Bulacan, pamangkin ko 'yan sa mother's side. Pamangkin ko pala siya."
Hirit naman ni Josh, "Tama po. Asan na po 'yung mana ko?"
Sagot naman ni Tyang Amy, "Ikaw ang magbibigay sa akin ng mana. Mas mayaman ka kaysa sa akin."
"Nako hindi po totoo 'yan," sabi ni Josh.
Bukod dito, matatandaan na pinerform ng SB19 ang kanilang newest rack na "DUNGKA!," na mula sa kanilang "Simula at Wakas" EP, sa naganap na grand finals ng "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025."
Samantala, gaganapin ang upcoming "Simula at Wakas" concert ng SB19 sa Philippine Arena sa May 31 at June 1.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Pinoy celebrities you didn't know were related