
May bago na namang aabangan mula sa grupong SB19!
Inilunsad kamakailan ng tinaguriang Kings of P-Pop ang bago nilang podcast na Time First.
Nagmula ang pamagat sa kanta nilang "Time" na bahagi ng kanilang upcoming EP na Simula at Wakas.
Inspired din ito ng Pinoy playground slang na "time first" na nangangahulugang "time out."
Sa podcast na ito, magta-time out muna ang SB19 sa kanilang busy schedule para mas maipakita ang kanilang personal sides.
"In this premiere episode of Time First, the spotlight turns inward as SB19 becomes both host and guest--taking the mic to share their timeline, unfiltered. From awkward beginnings to career-defining moments, this is their chance to press pause, look back, and reflect not the stories you've heard or seen… but the ones they've lived," saad sa announcement na makikita sa official accounts ng grupo.
Eksklusibong mapapakinggang ang Time First sa Spotify.
Matatandaang nagkaroon na rin ang SB19 ng podcast na pinamagatang Atin Atin Lang na tumagal mula 2023 hanggang 2024.
Samantala, lalabas na rin sa April 25 ang bago nilang EP na pinamagatang Simula at Wakas.
Naghahanda na rin ang grupo para sa kanilang Simula at Wakas world tour na magsisimula sa May 31 sa Philippine Arena at makakarating sa Taipei, Singapore, at ilang stops sa Amerika at Canada.
Pakinggan ang premiere episode ng Time First podcast ng SB19 dito: