GMA Logo SB19 on Eat Bulaga
Photo by: @officialsb19
What's on TV

SB19, may live performance sa 'Eat Bulaga' ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published September 22, 2022 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 on Eat Bulaga


Abangan ang performance ng SB19 ngayong Sabado sa 'Eat Bulaga.'

Mapapanood ngayong Sabado, September 24, sa Eat Bulaga ang phenomenal Pinoy boy band na SB19.

Ayon sa Dabarkad na si Ryzza Mae Dizon, magkakaroon ng performance ang sikat na grupo.

Noong September 2, inilabas ng SB19 ang pinakabago nilang single, ang "WYAT (Where You At)," na mayroon na ngayong mahigit 1.9 million views sa YouTube. Ito ang comeback single ng grupo mula nang i-release ang mini-album nilang Pagsibol.

Samantala, matapos ang matagumpay na kick-off concert sa Araneta Coliseum noong Sabado, September 17, naghahanda na rin ang SB19 para sa kanilang local at international tours.

Abangan ang SB19 sa Eat Bulaga ngayong Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

MAS KILALANIN ANG SB19 SA GALLERY NA ITO: