GMA Logo sb19 and ben and ben
What's Hot

SB19, nagpapasalamat sa pagkakataong makasama ang Ben&Ben

By Aimee Anoc
Published July 1, 2021 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

sb19 and ben and ben


Lubos ang pasasalamat ng SB19 nang matupad ang kanilang pangarap na makatrabaho ang Ben&Ben para sa band version ng kanilang kantang "MAPA."

Isa ang Ben&Ben sa pinakahinahangaan at gustong maka-collab ng SB19 noong nagsisimula pa lamang sila.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng P-pop boy group nang magkaroon ng pagkakataon na makasama ang isa sa mga bandang iniidolo nila, ang Ben&Ben.

Mas tumibay ang samahan ng dalawang grupo nang magsama sa special "band version" ng "MAPA", isang ballad song na kumikilala sa kadakilaan ng mga magulang.

Ibinahagi rin ng SB19 na isa ang Ben&Ben sa pinakamabubuting tao na nakilala nila. Hinihiling din ng grupo na dumating pa ang maraming pagkakataon na muli nilang makakasama ang Ben&Ben para higit pang matuto.

Sa Twitter, isa-isang nagbigay ng mensahe sina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin para sa Ben&Ben:

"And it's really nice to collaborate with amazing people na talaga naman, una pa lang na nagsisimula kami talagang ina-idolize o nilo-look up to namin and makama namin sila at mag-perform on stage," pagbabahagi ng lider ng grupo na si Pablo.

Sabi naman ni Ken, "Working with Ben&Ben, grabe 'yung saya na naramdaman namin."

Ayon kay Justin, "Lagi nga namin naiisip, 'What if maka-collab namin sila [Ben&Ben]?' Ngayon na nandito na, hindi na namin pinalampas 'yung opportunity."

Para kay Josh, "Vey refreshing na nakasama o maka-meet ng mga bagong friends."

Pag-alala naman ni Stell, "Sobrang kinakabahan ako kasi alam na very vocal ang SB19 tuwing tinatanong kami, 'Sinong artist sa Philippines na gusto niyo maka-collab?' And Ben&Ben is one of them. Sila 'yung lagi namin sinasabi na gusto namin maka-collab."

Sa huli, muling nagpasalamat ang grupo sa Ben&Ben, "

"Maraming salamat Paolo, Miguel, Pat, Agnes, Poch, Andrew, Jam, Keifer, Toni. Maraming salamat Ben&Ben. SBEN19 SAKALAM!"

Tingnan ang mga magagandang salita ng Ben&Ben tungkol sa SB19:

Samantala, inilabas na ng SB19 ang bagong album title nila na Pagsibol noong June 30.