GMA Logo SB19 Pablo
Photo by: imszmc_ (IG)
What's Hot

SB19 Pablo on using AI without artists' consent: 'It should be illegal'

By Aimee Anoc
Published March 27, 2026 5:14 PM PHT
Updated March 27, 2026 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, nakatanggap ng birthday surprise mula kina Lian Paz at John Cabahug
International Olympic Committee bans trans women from competing in female categories
Palaro 2026 in Agusan del Sur is a go, clarifies secretariat 

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 Pablo


SB19 Pablo on using AI without artists' consent: 'It should be illegal' May pahayag ang SB19 leader na si Pablo sa lumalaking isyu sa music ngayon tungkol sa paggamit ng AI. Basahin dito.

Naniniwala ang SB19 leader na si Pablo na bagama't mahalaga ang "innovation" sa music industry, hindi pa rin dapat naisasawalang bahala ang karapatan ng mga artists lalo na kung kinukuha na ang gawa nito nang walang consent, maging ang kanilang identity.

Sa naganap na press conference para sa kanilang bagong album na "Wakas at Simula", hiningan ng opinyon ang P-pop Kings sa lumalaking isyu sa music ngayon tungkol sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI at kung ano ang nararapat na gawin para maprotektahan ang identity ng mga artist, na sinagot ni Pablo.

"I think AI is a very powerful tool. Ako personally, strong believer po ako ng innovation. I think it's really important. But siguro po, not at the expense na ninanakaw na 'yung identity ng mga artists, 'yung creative rights," sabi niya.

Pagpapatuloy ni Pablo, "Nagiging dangerous po kasi siya kapag walang consent ng mga artist, na ginagamit 'yung mga gawa nila. For sure 'yung mga artist dyan, from ground up, binuo nila kung sino sila, talagang pinaghirapan nila 'yung mga nilalabas nila and kung paano sila nabuo as a person. So, for these softwares or companies to use without their consent, I think it's very unethical. And, I think it should be illegal."

Kaya naman pakiusap ni Pablo sa mga gumagamit ng AI at mismong companies at developers nito, "Sana 'yung mga gumagawa pa ng ganitong mga innovation dapat mas patindihin pa nila 'yung rules or maging strict sila pagdating sa paggamit.

"Dapat 'yung mga artist has the sole control if gusto nilang ipagamit 'yung identity nila or 'yung creative outputs nila rito sa mga ganitong klaseng bagay.

"Pero naniniwala po kami na innovation is very important, kailangan lang ma-regulate nang maayos and maprotektahan ang mga artists talaga na naghihirap sa ganitong klase ng art."

Ngayong Biyernes (March 27), mapapakinggan na ang "Wakas at Simula" album ng SB19. Mayroon itong 24 tracks--mula sa kanilang EP trilogy na "Pagsibol", "Pagtatag", at "Simula at Wakas", at anim na bagong mga kanta.

Nakipag-collaborate ang grupo sa Queen of C-Pop na si JOLIN para sa “Emoji” at Japanese group na BE:FIRST sa dance-pop track na “Toyfriend."

SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SB19 SA GALLERY NA ITO: