
Isa sa mga pinakahinahangaan na P-Pop boy group ngayon ang SB19--na binubuo ng mga miyembro nitong sina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin. Ngunit paano nga ba nagsimula ang grupo at paano sila mas nakilala ng mga Pilipino?
Samahan si Stell sa upcoming episode ng GMA Pinoy TV podcast sa September 6. Dito, ikukwento niya ang simpleng simula ng kanilang grupo, at ang kanilang paglalakabay para marating ang tagumpay at kasikatan na tinatamasa nila ngayon.
Ibabahagi rin ng The Voice Kids coach ang ilang behind-the-scenes ng kanilang pagsikat, ang mga pagsubok na pinagdaanan ng SB19, at mga pagkakataon na humubog sa kanila bilang mga artist dahilan para magkaroon sila ng tatak sa music industry.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA BREAKTRHOUGHS NG GRUPONG SB19 SA GALLERY NA ITO:
Kamakailan lang ay ikinuwento rin ng SB19 ang kanilang mga pangarap at pagsisikap para makamit ang mga ito sa Fast Talk with Boy Abunda.
Noong Pebrero ay inilunsad ng GMA Pinoy TV podcast ang kanilang fourth season kung saan ilan sa mga pinakamalalaking Kapuso stars ang opening guests. Kabilang dito ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, Jillian Ward, at Ken Chan.