SB19, ikinuwento ang kanilang mga pangarap at pagsisikap sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

Nakakuwentuhan ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang P-pop Kings na SB19.
SB19 ang guest sa dalawang araw na special episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes (August 26) at Martes (August 27).
Sa unang araw, ibinahagi ng phenomenal Pinoy boy band ang kanilang mga pinagdaanan bago marating ang tagumpay na mayroon sila ngayon.
Binalikan din nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin kung paanong hindi sila sumuko at nagsumikap para sundin ang kanilang mga pangarap.










