GMA Logo Sb19 Stell and Jessa Zaragoza
What's Hot

SB19's Stell Ajero may mensahe kay Jessa Zaragoza: 'Nahihiya ako parang di ko yata kaya'

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2021 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Sb19 Stell and Jessa Zaragoza


Sa Twitter, hindi naitago ng singer-actress na si Jessa Zaragoza ang kaniyang paghanga sa boy band na SB19 lalo na sa miyembro nitong si Stell Ajero. Alamin ang kanilang naging pag-uusap dito:

Sa isang Twitter thread, may nakakatuwang pag-uusap ang miyembro ng SB19 na si Stellvester Ajero at singer-Actress na si Jessa Zaragoza.

Nagsimula ito sa tweet ng anak ni Jessa na si Jayda Avanzado tungkol sa pagiging fan ng kaniyang ina sa boy band na SB19, partikular na sa miyembro nito na si Stell Ajero.

“it's official, isang stellberry na po yung nanay ko @iamjessaz13” tweet ni Jayda.

Agad naman itong ni-retweet ni Jessa at sinabing “Sorry di ako masyado nag twitter! Mas ig ako haha

"naku tuwang tuwang ako kay Stell! Simula ng napanuod ko yung youtube video ng SB19 sa interview.”

Minention pa ng OPM singer si Stell sa kaniyang tweet, “Napaka adorable nila.Lalo na pag nag “english” bukod sa napaka husay nilang mga artists,very humble pa. Hi @stellajero_”.

Sa thread na ito, may nakakatuwang reply naman si Stell gamit ang lyrics sa sikat na awitin ni Jessa.

“Hi po @iamjessaz13 maraming salamat po! Sa totoo lang po nahihiya ako mag reply pero omg parang di ko yata kaya.”

Ang tweet na ito ni Stell, naka-agaw ng atensyon ng mga netizen at mayroon na ngayong mahigit sa apat na libong retweets.

Samantala, inaabangan din ng fans ni Stell ang collaboration nito sa Welsch musician na si Jamie Miller, ang singer sa likod ng awiting 'Here's Your Perfect'. September 23 nang makapanayam ng GMA Network si Jamie at sinabing nag-uusap na sila ni Stell para sa isang collab.

Mas kilalanin pa ang P-pop group na SB19 sa gallery na ito: