Napapa-sigaw ang lahat online ng we love 'Dao Ming Stell' nang i-upload ng SB19 member na si Stell ang cover niya ng isa sa mga sumikat na kanta mula sa 2001 Taiwanese drama na Meteor Garden.
@stellajero16 🇹🇼🫶🏼 #sb19_stell ♬ original sound - Stell Ajero
Umani na ng mahigit one million views ang TikTok video ni Stell na kinakanta ang Tagalong version ng "Qing Fei De Yi" na "Biyahe" na kinanta naman noon ni Josh Santana.
Source: stellajero 16 (TikTok)
Samantala, maraming fans ng Meteor Garden ang nagluluksa pa rin dahil sa pagpanaw ng aktres na si Barbie Hsu noong Pebrero. Siya ang gumanap sa lead role na Dong Shangcai kung saan nakapareho niya si Jerry Yan na pinortray naman si Dao Ming Si.
RELATE CONTENT: Personal facts about Stell Ajero, the main vocalist and lead dancer of SB19