
Ibinahagi ng PBA Star na si Scottie Thompson sa pamamagitan ng kanyang social media posts kamakailan lang na nanganak na ang kanyang asawang si Jinky Serrano.
Sa posts ni Scottie, inilahad niya ang pangalan ng first baby nila ng kanyang partner na isinalang nito lamang May 5, 2023.
Ayon sa kanyang caption, “My two warriors! Thank you Lord for giving my wife enough strength to deliver this 8 lbs little angel. Everyone, meet Scot Alystair Thompson! 05.05.23 [heart emoji].”
Matapos isilang ang kanilang unang baby, kapansin-pansin na nae-enjoy ni Scottie ang pagiging isang first-time dad.
Sa kanyang latest Instagram stories, makikita ang ilang clips kung saan hands-on siya sa pag-aalaga sa kanilang baby ni Jinky.
Ilang araw bago isilang si baby Scot, ipinasilip ng basketball player sa kanyang fans at followers sa Instagram ang itsura ng nursery room ng kanilang baby boy.
Nang ipasilip niya ang kwarto sa netizens ay sinabi niyang ito na ang magiging paborito niyang tambayan.
Matatandaang January 2023, nang i-anunsyo ni Scottie ang pagbubuntis ng kanyang partner.
SILIPIN ANG POST-NUP PHOTOS NINA SCOTTIE THOMPSON AT JINKY SERRANO SA GALLERY SA IBABA: