
Diretsahang sinagot ni Sean Lucas ang ilang hotseat questions sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (June 5).
Game na sumalang ang Sparkle actor-host sa "Fast Talk" segment ni Boy Abunda, kung saan tinanong siya tungkol sa kanyang crush, dating relasyon, at mga natutunan niya tungkol sa pag-ibig.
"Crush mo sa Sparkle?" tanong ni Tito Boy
"Heart Evangelista, " agad na sagot ni Sean.
"Liligawan mo sa Sparkle?" sunod na tanong ng host.
"Wala po," ani Sean, na ikinatawa ng mga nasa studio.
Mas naging intense ang usapan nang tanungin siya ni Tito Boy kung sino ang naging girlfriend niya sa Sparkle.
"Si Thea," pag-amin ni Sean.
"I'm sorry, Thea?" paglilinaw ni Tito Boy.
"Astley," pabulong na sagot ni Sean.
Nagpatuloy ang usapan tungkol sa pag-ibig at mga pinagdaanang breakups.
Ayon kay Sean, marami siyang natutunan tungkol sa pagmamahal matapos ang kanyang dating breakup.
"I learned that to be a mix of both. But still I live with heart. Kung mahal ko, mahal ko talaga," pahayag niya.
Sunod naman siyang tinanong ni Boy Abunda kung mayroon ba siyang pinagsisisihan matapos ang kanyang hiwalayan.
"If we're speaking about regrets, siguro nothing, Tito Boy, kasi I love that person at that time, 'yun ang alam ko, paano magmahal that time. Yun 'yung way of loving ko, e. Binigay ko sa kanya 'yun," sagot ni Sean.
Dagdag pa niya, natutunan niyang mahalin muna ang kanyang sarili matapos ang dating relasyon niya.
"'Di na ako nagtitira sa sarili ko. Kailangan may sarili akong oras...We have to have our own individual lives so that we're better together," paliwanag niya.
Kasama rin sa panayam ang bagong Kapuso host na si Heart Evangelista, na ibinahagi rin ang kanyang pananaw tungkol sa pagkakaroon ng self-love sa isang relasyon.
Para kay Heart, imposible sa kanya noon na magtira ng pagmamahal para sa sarili.
"When I was younger, no, and I don't regret that because 'di na nila ako makalimutan," biro niya.
"I don't regret that because that's how I truly love. I was known to leave my family [and] career for the person I love. I have no regrets because I was able to see the world, because I chose that kind of freedom and liberty of loving."
Samantala, mapapanood sina Heart at Sean sa newest Kapuso original game show na The People Have Spoken, tuwing Sabado, simula June 6, 6:15 p.m. sa GMA.
Silipin ang panayam nina Heart Evangelista at Sean Lucas sa gallery na ito: