
Tapatan ng mga regal at empowering women ang dapat abangan ngayong weekend sa GMA Comedy original game show na 'The People Have Spoken'!
Ngayong Sabado, August 22, seasoned actresses at beauty queens naman ang susubok na pulsuhin ang boses ng People.
Ready nang ipakita ang kanilang competitive spirit at skills ang Team DINOOKY nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.
Rarampa rin sa game show stage ang Kapuso beauty queens na sina Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo o ang Team WINAHTI.
Siyempre, hindi magpapatalo sa saya, kuwentuhan, at papremyo ang bubbly at witty hosts na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
READ: Heart Evangelista, mas naging close kay Sean Lucas dahil sa 'The People Have Spoken'
Fresh na kulitan at candid opinions naman ang handog ng ating bagong celebri-peep pairing!
Makisaya sa kuwentuhan kasama ang resident celebri-peep na si Janeena Chan at special celebri-peep guest na si Poca!
READ: Janeena Chan reveals behind-the-scenes in 'The People Have Spoken'
Sino kaya ang makakapasok sa bonus round at magkakaroon ng tsansang manalo ng PhP200,000 this week?
Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado sa 'The People Have Spoken,' 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Tumutok din sa 'The People Have Spoken' ngayong Sabado para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa 'The People Have Spoken' hosts at celebri-peeps, dito: