
Hindi bumitaw ang ating mga Kapuso sa pagtutok sa part two ng anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko last July 17.
Sinubaybayan pa rin ng mga manonood ang adventure ng mga kontrabidas na sina Cutie (Jo Berry), Pearly ( Cai Cortez), at Queenie (Rufa Mae Quinto) sa "Bida Kontrabida" matapos makakuha ang episode ng 10.5 percent kontra sa katapat nitong programa--- ang datos ay base sa NUTAM People Rating.
Kaya walang iwanan at abangan ang third episode ng "Bida Kontrabida" sa month-long anniversary presentation ng Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Sunday Grande sa gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.