GMA Logo Pepito Manaloto New Year special on December 30
What's on TV

See what's in store this Saturday on 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento'

By Aedrianne Acar
Published December 27, 2023 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto New Year special on December 30


Panoorin ang last hurrah ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' for 2023!

Kahit patapos na ang 2023, tambak pa rin ng trabaho at holiday errands ang mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).

Sasabay pa na dadalaw ang tatay ni Pitoy na si Mang Benny (Bembol Roco) na nalulungkot at mabilis na mainis, dahil namatay ang pet goat niya na si Jordan.

At ito namang si Pitoy, mahuhuli ng foreignay kasambahay nila na si Barbie na may kasamang babae. Ano kaya ang gagawin ni Elsa para malaman niya kung sino itong kasama ng mister?

Matiwasay kaya maipagdiwang ng Manaloto family ang Bagong Taon?

Samantala, mapapa-throwback naman si Vincent (Tony Lopena) na matapos mag-spring cleaning sa kanilang office sa PM Mineral Water, mahahanap sa stockroom ang lumang ballpen na ginamit niya para sa kaniyang unang paycheck sa kumpanya.

Kaso, mukhang magti-trigger din ito ng bad memories na magdudulot ng gulo kina Mara (Maureen Larrazabal), Tere (Cherry Malvar), Cara (Sophia Senoron), at damay si Vincent.

PEPITO MANALOTO THROWBACK PHOTOS:

Salubungin ang Bagong Taon na may ngiti at puno ng good vibes! Kaya manood na ng episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:00 p.m. ngayong December 30, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.