GMA Logo sef cadayona
Source: YouLOL-Kalurks
What's Hot

Sef Cadayona, na-intimidate sa isang A-list Kapuso star

By Aedrianne Acar
Published November 17, 2022 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Send warships to Strait of Hormuz? Teodoro says PH does not have the capability
Anne Curtis lands magazine cover, speaks about misogyny
Zephanie, Michael Sager reunite to bring kilig and major P-Pop vibe in “Born to Shine"

Article Inside Page


Showbiz News

sef cadayona


Kilalanin kung sino ito sa chikahan nila Boobay at Pepita Curtis sa online exclusive na 'Kalurks.'

Walang patumpik-tumpik na inamin ng Bubble Gang comedian na si Sef Cadayona na na-intimidate siya sa award-winning Kapuso personality Michael V., na tumatayo ring creative director ng kanilang gag show.

Sa YouLOL online show na Kalurks, hosted by Boobay at Pepita Curtis, sinabi ni Sef na iba ang feeling kapag katrabaho mo na ang idol mo.

Paliwanag ng Sparkle star, “'Pag 'yung iniidolo mo makakasama mo na finally sa trabaho, ang dami ng pumapasok sa utak ko nun.”

Dagdag niya, “Marami siguro hindi nakaka-alam, 'yung mga natutunan ko, 'di lang ako, halos lahat na naging parte ng Bubble Gang, ay galing sa gabay at saka turo ni Kuya [Bitoy].

“Kasi si Kuya 'yung tipong hindi ka niya ibi-baby. Kapag may napansin siya, hindi naman call out, more on sabi niya, 'Hindi, dapat ganito gawin mo. Hindi 'yun, 'Mali ka, e.'”

Source: YouLOL-Kalurks

Para naman sa Bubble Gang newbie na si Kokoy de Santos, naalala niya na na-starstruck siya habang kaeksena noon si Direk Bitoy.

Pero nilabanan daw niya 'yung nararamdaman niya para maayos na maka-deliver sa eksena.

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso heartthrob, "Kapal lang ng mukha. Wala ako magagawa kasi 'pag hindi, nakakahiya lalo hindi ka makaka-deliver. Pero iba, nakaka-starstruck talaga.”

Panoorin sina Sef at Kokoy, bukas ng gabi, November 18, sa 27th anniversary presentation ng Bubble Gang sa oras na 9:40 p.m..

NARITO ANG ILANG PANG TRIVIA TUNGKOL KAY MICHAEL V.: