
Rare and epic survey battle ang mapapanood sa Family Feud dahil birthday episode ng ating host na si Dingdong Dantes!
Ang maglalaro ngayong Biyernes, August 1, ay ilan sa close friends at colleagues ng Kapuso Primetime King at award-winning host. Sila ang Team Fam Bam at Fab Force.
Mula sa Team Fam Bam maglalaro si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, ang former youth leader, social entrepreneur, at principal sponsor and co-author ng Free College Law. Si Senator Bam ay isa ring proud gamer, husband to Timi, and dad to Rory and Coco.
Makakasama ni Senator Bam ang aktres, Aktor President, at doting mom ng 2-year-old na si Deia Amihan, si Iza Calzado; Ang former chairperson ng National Youth Commission and recently linked kay Cristine Reyes na si Atty. Gio Tingson; at ang hottest male stand-up comedian, host, writer, YouTuber, and podcaster in town na si Alex Calleja.
Malalapit din kay Dingdong ang mga miyembro ng team na Fab Force. Ang leader ng Fab Force ay ang actress, mom, and public servant na elected as No. 1 councilor sa Pasig City's 2nd district na si Angelu de Leon. Siya rin ang kasama ni Dingdong sa '90s youth-oriented series na TGIS.
Kabilang rin ang wedding godparents ni Dingdong at key member of the entourage. Ang world-renowned Filipino fashion designer, celebrating 37 years in the industry ngayong November, at ang designer ng wedding suit ni Dingdong na si Randy Ortiz; DongYan's ninang, founder and CEO ng five successful businesses, at recognized fashion trendsetter na si Joy Wambangco-Rustia; at si Jay Wambangco na isa sa groom's men sa DongYan nuptials noong December 2014.
Sa masayang hulaan, nagbiro pa si Senator Bam na maraming surveys ngayon ang nagkakamali. Pero ang survey aniya ng Family Feud ay siguradong tama.
Bukod sa game, may inihanda pang cake at kaabang-abang na tribute para sa birthday celebration ni Dingdong.
Ang ating Biyernes ay mapupuno ng heartwarming mix of nostalgia, laughter, and genuine camaraderie kaya tutok na sa birthday episode ni Dingdong sa Family Feud ngayong August 1.
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.