
Isinugod sa ospital si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. matapos magkaroon ng pneumonia at kailanganin ng mas matinding medical attention.
Noong nakaraang Linggo, August 9, malungkot na ibinalita ng actor-turned-senator na nagpositibo siya sa COVID-19. Nag-self-isolate daw si Bong at nanatiling negatibo ang kanyang mga kasama sa bahay.
Inabisuhan din daw niya ang kanyang mga nakasama sa senado nang gunitain ang ika-40 araw ng pagpanaw ng kanyang amang si dating Senador Ramon Revilla, Sr.
Ngunit ngayong Martes, August 18, lumala ang kondisyon ni Bong at kinailangan nang isugod sa ospital.
Ibinahagi ng kanyang asawang si Lani Mercado ang sitwasyon ng kanyang mister sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Aniya, “Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed. Father we lift him up to you.”
Maliban kay Bong, nagpositibo rin noon sa COVID-19 ang kanyang mga kapwa senador na sina Senator Sonny Angara at Senator Migz Zubiri.
ALSO READ: Filipino celebrities and politicians who tested positive for COVID-19