
Sa February 7 (finale) episode ng The Gift, ipapaintindi ni Gener (TJ Trinidad) kay Sep (Alden Richards) na siya ang biyayang handog para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Matututo naman sina Nadia (Jean Garcia) at Strawberry (Jo Berry) na sabay maging ina kay Sep.
Makikita din ni Sep ang masayang kinabukasan niya kasama ang mga mahal niya sa buhay.
Panoorin ang highlights ng February 7 (finale) episode ng The Gift:
Ang pinakaaabangang Descendants of The Sun (The Philippine Adaptation) ang papalit sa The Gift ngayong February 10. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.