
Real-life family rivalry na puno ng kulitan ang mapapanood sa tapatan ng Capinpin Boys at Capinpin Ladies sa Family Feud.
Tampok ngayong Lunes, June 8, ang showdown ng pamilyang Capinpin mula sa Nueva Ecija.
Mamumuno sa Capinpin Boys si Gavin de Rueda Capinpin, mas kilala bilang "Ser Geybin," isa sa pinakasikat na content creators sa bansa ngayon. Mayroon siyang mahigit 40 milyong followers sa iba't ibang social media platforms. Nakilala si Ser Geybin dahil sa kanyang nakakatawang content, pranks, at comedy videos na pumatok sa mga netizen.
Bukod sa pagiging online personality, isa rin siyang chief marketing officer (CMO) at part-owner ng CreaTV Management, Inc., isang talent management company na humahawak sa ilan sa mga nangungunang digital creators sa Pilipinas.
Makakasama ni Ser Geybin sa team Capinpin Boys ang kanyang mga kapatid na sina Kelzy de Rueda Capinpin o "Capt. Kelzy," na isa ring content creator; Allen de Rueda Capinpin o "Chief Allen," na isang seaman at content creator; at ang kanilang pinsang si Karl "Kalo" de Rueda Himantog, na isa ring kilalang creator online.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Hindi rin magpapahuli ang mga kababaihan sa team Capinpin Ladies. Pinangungunahan ang Capinpin Ladies ni Elma Asagra, girlfriend ni Ser Geybin, at public school educator-turned-content creator.
Kasama rin sa grupo si Beth de Rueda Capinpin, ang proud na ina ng tatlong Capinpin brothers; Angelika Jhermyne Rufo, girlfriend ni Allen at kasalukuyang nagsisilbi bilang SK chairperson; Yvan Angelie Tan, girlfriend ni Kalo na certified fan ng K-Drama at C-Drama.
Sino kaya ang magwawagi sa tapatan ng Capinpin family? Abangan ang masayang sagupaan ng Capinpin Boys at Capinpin Ladies sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 8, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.