
Mapapasabi talaga ang marami ng “haba ng hair” sa SexBomb Girls member na si Cynthia Yapchingco matapos mapag-usapan ang ilan sa mga naging manliligaw niya noon.
Sa masayang kuwentuhan ng iconic girl group kasama si Vice Ganda, itinuro ng mga miyembro ang kapwa SexBomb Girls na sina Cynthia at Aifha bilang mga ligawin ng mga artista.
"Si Cynthia din mukhang mabait. 'Yung parang hindi magaslaw, mukha kang mabuting babae," papuri ni Vice.
Mas lalo pang naging masaya ang usapan nang i-reveal ni Cynthia ang ilang initials ng kanyang mga dating manliligaw.
Una sa blind item ay D.G.
"DG. Dino Guevarra?" hula ng Unkabogable Star.
"Dingdong Gantes," pabirong sabat ni Rochelle Pangilinan, na agad ikinatawa ng grupo.
Sumunod namang binanggit ang P.C.
"Piolo Casual?" hirit ni Mhyca Bautista.
"Piolo Casual! Ang dami nang bagong artista! Si Piolo Casual!" tuwang reaksyon ng comedian.
"Si P.C. 'di ba, nagkaroon din siya ng asawa na dancer?" tanong ni Vice na napangiti na lang si Cynthia.
Ikatlong initials ang T.S.
"Tonton Sutierrez?" muling hirit ni Rochelle.
"Tita Shawie?" dagdag ni Vice, dahilan ng tawanan ang studio.
Mas uminit ang usapan ng huling ni-reveal ay ang initials na V.N.
"Vina Norales?" biro ni Rochelle muli.
"Sinong VN? Ay! Dancer din siya?"tanong ni Vice, na ikinahiyaw ng lahat.
"Tatanong ko nga sa kanya bukas. Ikaw talaga matulis ka talaga, friend," dagdag ni Vice na tila kinakausap ang nasabing lalaki sa harap ng camera.
Nagpatuloy ang kuwentuhan sa mga alaala ng pag-ibig, karanasan sa showbiz, at unforgettable moments ng grupo bilang isa sa mga pinaka-iconic na dance groups sa bansa.
Samantala, dinagsa ng fans ang rAWnds 3-5 ng Get, Get Aw! reunion concert ng SexBomb Girls na ginanap sa Mall of Asia Arenan nitong nakaraang weekend.
Isa sa mga highlight ng gabi ang pagbabalik ng ilang miyembro ng grupo sa stage, pati na ang kanilang collaboration performance kasama ang BINI.
Unang nakilala ang SexBomb Girls sa isang noontime TV variety show. Nagkaroon sila ng afternoon series na Daisy Siete at naging top recording artists sa kanilang hits tulad ng “The Spageti Song,” “Sumayaw Sumunod,” at “Bakit Papa?”
Silipin ang nostalgic highlights ng Sexbomb Girls' reunion concert sa gallery na ito: ;