GMA Logo SexBomb Girls
Source: niceprintphoto via rochellepangilinan (IG)
What's Hot

SexBomb Girls announces 'rAWnd 6' concert and world tour

By Mark Joseph F. Carreon
Published February 10, 2026 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ph Navy reminds Filipinos: Know real threat in WPS issue
Students scale mountainside to avoid swollen river in Talisay City, Cebu
Bad Bunny delivers festive Super Bowl LX Halftime Show performance

Article Inside Page


Showbiz News

SexBomb Girls


Kinumpirma ng SexBomb Girls ang 'rAWnd 6' ng kanilang reunion concert at upcoming world tour!

Matapos ang matagumpay na kanilang 5-day "Get, Get Aw!" reunion concert series, muling nagpasabog at pinayanig ng Philippines' iconic girl group na SexBomb Girls ang kanilang fans sa isang magandang balita.

Sa kanilang "rAWnd 5", inanunsyo ng iconic group na pinaghahandaan na nila ang ikaanim na araw ng kanilang concert o ang "rAWnd 6", kasunod ng kanilang sold-out concert.

Inaabangan na rin ng fans ang kanilang world tour na naibalita sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, February 9.

Matatandaan din na sa isang episode ng It's Showtime kung saan nag-guest at nag-perform ang grupo, nai-manifest ito ng leader na si Kapuso actress Rochelle Pangilinan matapos siyang tanungin kung ano ang nilu-look forward nila sa taong 2026.

“Ang tingin ko na ilu-look forward namin at ng buong SexBomb is 'yung siguro world tour,” sagot ni Rochelle.

Ayon pa kay Rochelle, pinapangarap niya na makabisita ang grupo sa mga bansang Dubai, Australia, USA, at Canada.

Naging matagumpay ang "Get, Get Aw!" reunion concert series ng SexBomb Girls na kinatampukan ng ilan sa mga kilalang personalidad katulad ng sikat na P-pop girl group na BINI; Gloc-9, Monty Macalino of Mayonnaise, at ang Asia's Songbird Regine Velasquez.

Sa ikaapat na araw naman ng kanilang concert; naganap ang pagdalo ng dating member ng grupo na si Izzy Trazona, maging ang proposal ni Joshua Zamora, ang asawa ng isa sa members ng grupo na si Jopay Paguia.

Sa ngayon, nakaabang na ang lahat lalo na ang fans ng iconic girl group sa ilalabas na detalye para sa ticket selling ng "rAWnd 6" at sa kanilang world tour.

Related Gallery: SexBomb Girls light up Aranets with nostalgic "Get,Get Aw" reunion concert