GMA Logo SexBomb Girls
Source: rochellepangilinan (IG)
What's Hot

SexBomb Girls, may bagong kanta matapos ang reunion concert

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 21, 2026 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos summons Chinese ambassador over Ayungin Shoal incident
Quirino farmers receive 200 breeder pigs
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

SexBomb Girls


Ipinarinig ni Rochelle Pangilinan ang teaser ng bagong kanta ng grupong SexBomb Girls!

Gumawa muli ng ingay at inulan ng excitement ang social media matapos mag-post ang Kapuso actress at SexBomb Girls group leader na si Rochelle Pangilinan tungkol sa muli nilang pagsasama-sama ng kaniyang mga dating kasamahan para sa isang espesyal at bagong proyekto.

Matapos ang matagumpay na reunion concert na Get Get Aw!, may panibagong handog na naman ang hit Filipino girl group sa kanilang fans at supporters kung saan maglalabas sila ng isang panibagong single na pinamagatang Mama Mama.

Sa Instagram post ni Rochelle, ibinahagi niya ang isang video kung saan kita ang grupo na magkakasama habang sumasayaw sa saliw ng kanilang naturang bagong kanta.

Matatandaang naging malaking bahagi ng kulturang Pilipino at ng pang-araw-araw na telebisyon ang SexBomb Girls noong 2000s sa pamamagitan ng kanilang mga iconic dance hits at performances.

Sa caption ni Rochelle, binigyang-diin niya na kahit nagkaroon na ng sariling pamilya at kanya-kanyang karera sa showbiz at negosyo ang bawat miyembro ay may handa pa rin maghandog ng bagong awitin para sa kanilang fans.

“Ilang taon ang lumipas. Ilang dekada ang nagdaan. Nagkanya-kanya kami. Marami ang nagbago. Pero muli kaming nagsama-sama. Para sa inyo. Para sa amin. Para sa atin,” ani Rochelle.

“Deserve n'yo ang regalong ito,” dagdag pa niya.

Hindi naman nagpahuli ang netizens at avid fans sa kanilang pagpapahayag ng kanilang pananabik na mapakinggan nang buo ang bagong kanta ng grupo at muling mapanood ang grupo na magkasama-sama sa entablado at sumayaw tulad ng dati.

“Ang cute ng bagong kanta ng SBG,” komento ng isang fan.

“Omg!!! Mama mama!!” sulat naman ng isa.

“ANG CUTEE NG SONG NG SBG!! I- TIKTOK NA YAAAN!” ani ng isang netizen.

“Nakakailang ulit na ako!!!! Ang angas ng music!” sabi ng isang fan.

“OMG!!! Ang po fresh nyo pa rin! Thank you for that wonderful song! Proud pinalaki Ng Sexbomb here @rochellepangilinan,” komento pa ng isa.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Ang bagong awiting ito ay dagdag sa napakahabang listahan ng mga kontribusyon ng SexBomb Girls sa OPM pop culture.

Ilan sa mga pinakasikat nilang novelty hits na patuloy na binubuhay sa mga sayawan hanggang ngayon ay ang Spaghetti Song, Bakit Papa, at Halukay Ube.

Related Gallery: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever