GMA Logo Shaira Diaz in Magpakailanman
What's on TV

Shaira Diaz, anak na naiwan sa Pilipinas sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published August 6, 2026 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Traffic enforcer, sugatan nang malapitang barilin ng lalaki sa Cotabato
Filipino dance crews win International Dance League in Korea
Mayor denies Cebu City is supporting Pax Silica project

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz in Magpakailanman


Gaganap si Shaira Diaz bilang Thai-Finnish na naiwan sa Pilipinas sa 'Magpakailanman.'

Bibida si Kapuso actress Shaira Diaz sa brand-new episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Julie, babaeng nangungulila matapos nawalay sa kanyang mga magulang sa episode na pinamagatang "Kailan Muling Makakapiling?"

Thai ang nanay ni Julie, habang Finnish naman ang kanyang tatay.

Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, dinala siya sa Pilipinas ng ama habang naiwan sa Thailand ang ina.

Pero kinailangan din bumalik ng tatay ni Julie sa Finland kaya naiwan siya sa Pilipinas sa poder ng malupit niyang stepmother.

Lalaki si Julie na malayo sa ama at ina. Makakapiling pa ba muli ang mga magulang?

Bukod kay Shaira, bahagi rin ng episode sina Jeric Gonzales, Frances Makil Ignacio, Saviour Ramos, at Kuya Kurt.

Abangan ang brand-new episode na "Kailan Muling Makakapiling?: The Julie Forsberg Belleza Story," August 8, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.