GMA Logo shaira diaz and ruru madrid
What's on TV

Shaira Diaz and Ruru Madrid reveal qualities they look for in a lifetime partner

By Bong Godinez
Published March 22, 2021 11:54 AM PHT
Updated March 22, 2021 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

shaira diaz and ruru madrid


Mapanonood sina Shaira Diaz at Ruru Madrid sa unang episode ng mini-series na 'I Can See You' Season 2, na pinamagatang “On My Way to You,” simula mamayang gabi sa GMA Telebabad.

Kapwa masaya ang love life ng Kapuso stars na sina Shaira Diaz and Ruru Madrid.

Si Shaira ay bukas sa kaniyang relasyon sa actor-singer at model na si Edgar Allan Guzman.

Samantala, si Ruru, bagama't hindi pa direktang umaamin, ay nali-link sa rumored girlfriend niyang si Bianca Umali.

Nauna nang sinabi ni Ruru na “masaya” ang kanyang puso at sa palagay ng marami ay dahil ito kay Bianca base na rin sa nakakakilig na palitan nila ng mensahe sa social media.

Taliwas naman sa tunay na buhay ang mga papel na gagampanan nila Shaira at Ruru sa paunang episode ng Season 2 ng hit mini-drama series na I Can See You, na mapapanood na mamayang gabi, March 22, sa GMA Telebabad.

Sa episode kasi na “On My Way to You” ay gaganap si Shaira bilang isang viral runaway bride na tinakasan ang nobyo sa mismong araw ng kanilang kasal.

Ang karakter naman ni Ruru as isang groom na hindi natuloy ang kasal dahil sa pag-atras ng kasintahan sa altar.

Sa totoong buhay, wala pa namang balak magpakasal sa ngayon sila Shaira sa Ruru sa kani-kanilang karelasyon.

Pero ano nga ba ang qualities na hinahanap nila para masabing “the one” na nga talaga ang kanilang mga karelasyon?

“Importante sa akin 'yong respect ang honesty.

"Ako kasi yong babae na maraming condition bago pumasok sa ganito.

"Gusto ko tanggap ako, kung ano 'yong set-up na gusto ko. So importante sa akin 'yong may respect,” sagot ni Shaira nang makausap ng GMANetwork.com kamakailan.

“Kilala ko rin siguro kasi 'yong sarili ko na I can be as honest as much as I can.

"So, sana maibalik mo rin sa akin 'yon. Gusto ko lagi kang nagsasabi nang totoo.”

Sang-ayon naman si Ruru sa mga nabanggit ni Shaira.

Bukod dito, sinabi ni Ruru na pinakaimportante pa rin ang pagmamahal at wala naman daw siyang eksaktong qualities na naiisip para sa kanyang magiging lifelong partner.

“Ngayon, na-realize ko na it's about love,” nangingiting bungad ni Ruru.

“'Pag mahal mo ang isang tao, domino effect na 'yan.

"Lahat ng bagay na hindi mo ini-expect na magagawa mo before, nagagawa mo for her. Same din siya, nagagawa n'ya din sa 'yo.”

Dagdag pa ng aktor, “Respeto, pagmamahal sa pamilya, suporta sa isa't-isa--lahat ng mga bagay na pinapangarap natin dun sa taong gusto natin makasama habang buhay, darating 'yon basta nagmamahalan kayo ng sobra.”

Tampok din sa "On My Way to You" sila Ashley Rivera, Arra San Agustin, Gil Cuerva, Malou de Guzman, at Richard Yap.

Mapapanood na ang ICSY2 “On My Way to You” mamayang gabi pagkatapos ng First Yaya.

Mapnonood din ang I Can See You sa abroad sa pamamagitan ng flagship international channel ng GMA Network, ang GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, silipin ang ilang mga eksena sa "On My Way To You" sa gallery na ito: