GMA Logo Shaira Diaz
Source: shairadiaz_ (IG)
Celebrity Life

Shaira Diaz, ipinasilip ang bago niyang paintings

By Marah Ruiz
Published July 11, 2022 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Bagong hobby ni Shaira Diaz ang pagpipinta. Silipin ang paintings ng 'Lolong' dito.

Kamakailan lang nagsimula si Kapuso actress at Lolong star Shaira Diaz sa bago niyang hobby na pagpipinta.

Ibinahagi niya sa kanyang followers na susubukan niya ang art form na ito bilang "something new" sa routine niya.

Agad naman nakatapos ng dalawang painting si Shaira na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. Isa dito ay mga puno sa gubat, at seascape naman ang isa pa.

"#SDiazArt 🤪🎨🖌" simpleng caption niya sa post.

Isang post na ibinahagi ni Shaira Diaz (@shairadiaz_)

Nagsimula si Shaira sa pagpipinta nang matapos niya ang very challenging lock-in taping ng dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong kung saan kapareha niya si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pilot week nito noong nakaraang linggo.

Ginunita naman si Shaira ang isang eksena niya kasama si Ruru at ang 22-foot animatronic crocodile na si Dakila.

Source: shairadiaz_ (IG)

Nakaramdam daw siya ng kaba dahil kinailangan nilang lumusong sa tubig sa eksenang ipapakilala ni Lolong, karakter ni Ruru, sa kababatang si Elsie, karakter naman ni Shaira, ang buwayang si Dakila.

"Actually, 'yung eksena kasi na 'yun, wala talaga sa script 'yun. 'Yung talagang lulusong kami sa tubig, dapat sa land 'yun. Tapos naisip nila mas cute kapag kami 'yung pumunta sa tubig para may thrill 'di ba?" kuwento ni Shaira.

Umiral pa ang kapilyuhan ni Ruru kaya lalong kinabahan at napatili pa si Shaira habang nasa tubig.

"Totoo talaga [ang tili ko] kasi sinasabayan ni Ruru ng kung ano eh. Hindi ko alam siya ba 'yung gumagalaw doon sa paa ko," paggunita ng aktres.

Samantala, mas magiging exciting pa ang kuwento ng Lolong sa pangalawang linggo nito dahil mabubunyag na ang tunay na katauhan ni Lolong. Darating na rin sa Tumahan ang misteryosang travel vlogger na si Bella, karakter ni Arra San Agustin.

Patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.