GMA Logo Ruru Madrid in Lolong
What's on TV

Kuwento ng mga Atubaw at marami pang iba, dapat abangan sa pangalawang linggo ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 11, 2022 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in Lolong


Marami pang dambuhalang sorpresa ang ihahatid ng 'Lolong' sa ikalawang linggo nito.

Lalo pang magiging exciting ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong sa ikawalang linggo nito.

Sa unang linggo, nakilala na si Lolong (Ruru Madrid) at ang kaibigan niyang buwaya na si Dakila. Unti-unti na ring nadidiskubre ni Lolong na tila may kakaiba sa kanyang pagkatao.

Pagpasok sa ikalawang linggo, bibigyan ni Karina (Rochelle Pangilinan) ng impormasyon si Lolong tungkol sa lahi ng mga Atubaw. May kinalaman ba ito sa kakaibang mga kakayanan ni Lolong?

Darating din sa Tumahan ang misteryosong vlogger na si Bella (Arra San Agustin). Magiging kalaban ba siya o kakampi ni Lolong?

Samantala, patuloy ang paghahasik ng gulo ng mga Banson sa pangunguna ni Dona (Jean Garcia).

Narito ang isang sneak peek sa exciting na pangalawang linggo ng Lolong.

Patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.