GMA Logo Shaira Diaz
Photo: markycreation/shairadiaz_ (Instagram)
What's on TV

Shaira Diaz, naiyak sa parating na plot twist ng 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published March 19, 2025 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Naiyak si Shaira Diaz nang mabasa ang parating na plot twist ng 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Maraming mga pagbabago ang nakatakda sa primetime action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Una na itong nabanggit ng bidang si primetime action hero Ruru Madrid.

Ngayon naman, inamin ng kanyang co-star at leading lady na si Shaira Diaz na naging emosyonal siya nang malaman ang magiging takbo ng kuwento ng kanilang serye.

"Nagbabasa ako ng script, tapos nagulat ako sa plot twist ng Lolong. Dapat abangan nila 'yan. Pero siyempre, abangan muna nila kung makakatakas ba si Lolong, kung paano niya masusugpo 'yung kasamaan," lahad ni Shaira.

"At si Elsie, makakaalala ba? Hanggang kelan ba siya [walang maalala]. 'Yung memorya niya ay wala pa din," dagdag pa niya tungkol sa karakter niya sa programa.

Photo: shairadiaz_ (Instagram)

Samantala, sa ika-siyam na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, nauubos na ang oras ni Lolong (Ruru Madrid) para maibalik sa Isla Pangil ang Ubtao, isang sagradong hiyas na nakakapagpagaling.

Kung hindi niya ito maibabalik sa lalong madaling panahon, lahat ng taong pinagaling ng Ubtao ay mamamatay.

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video: