GMA Logo Shaira Diaz
What's on TV

Shaira Diaz, nasubukan ang creative side sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published June 9, 2025 5:10 PM PHT
Updated June 9, 2025 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Nasubukan daw ang creative side ni Shaira Diaz para mas mapaganda pa ang 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Nagtulungan daw ang cast ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila para mas mapaganda pa ito.

Ayon 'yan sa isa sa lead stars ng serye na si Kapuso actress Shaira Diaz.

Itinuturing daw ng aktres bilang tagumpay ang magandang collaboration ng mga artista sa kanilang mga eksena.

"Isa sa mga success din siguro growth namin individually, hindi lang as an actor. Dito kasi parang gumana 'yung mga creative sides namin dahil nga sa pagtutulungan namin na mas mapaganda pa 'yung Lolong, mas mabigyan namin ng magandang storya 'yung audience namin," bahagi ni Shaira sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Lagi rin daw nilang ipinagdiriwang ang "small wins" nila sa trabaho bilang paraan para manatiling motivated ang isa't isa.

"Para sa amin, 'yung mga small wins na 'yun na ang ganda ng kinalabasan [ng eksena], masayang masaya kami doon. Considered siya as success para sa amin dahil 'yung totality ng kuwento, nagta-translate sa mga audience namin."

Samantala, mas nagiging exciting pa ang kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila.

Nasa kamay na nina Dona (Jean Garcia) at Ivan (Martin del Rosario) si Elsie (Shaira Diaz) na nakatakda nang manganak.

Matapos magpalakas muli, handa na si Lolong (Ruru Madrid) na muling makaharap ang mga mortal niyang kaaway para mabawi ang kanyang pamilya.

Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.